Saturday, June 23, 2007

Kapag Ako'y Wala Na

(Inspired by Original Lyrics "When I am There No More" by Prabir Sen)

O, kay daming nais sabihin
Ngunit buhay ko’y kay ikli
Mga tingin mong nagsasabing ako’y iniibig
Sa iyo ibubulong kong ika’y mahal ko rin

Ang aking tinig ay iyong maririnig
Susundan mo pa ng tanaw
Sa malambing na hanging iyong madarama
Alam mo na diya’an, ako ay wala na.

Sa kalangitan iyong tanawin
Doon ako’y isa nang bituin
Na magniningning sa iyong mga paningin
Upang malaman mong ika’y mahal pa rin

Mula sa kalangitan, ika’y tanaw
Saan ka man naroroon
Pag-ibig ko sa yo, kahit na pumanaw
Mula sa daigdig mo ngayon

Sa kalangitan ikaw tumanaw
Masdan mo ako’y isa nang bituin
Sa king mga ningning, sa iyong mga tingin
Sana’y malaman mong ika’y mahal pa rin

Mula sa kalangitan, ako’y tumatanaw
Saan ka man maparoon
Pag-ibig ko sa yo, kahit na sa pagpanaw
Sa iyong mundo noon at hanggang ngayon

No comments: