Saturday, June 23, 2007

Ibulong mo

Kung hindi mo masabi
Mabigkas ng mga labi
Sa mata mo iparating
Nais mong ipabatid

Maging sa haplos ipadama
Bumabagabag na mga gunita
Iintindihan kita sinta
Basta’t sa akin ay ipakita

Ano bang nasa sa loob
Tama kaya ang aking kutob
Pag-ibig ba ang tinitibok
O ito’y ating pagsubok

Ako’y lalapit sa iyo aking mahal
Ating ipagdiwang, araw ng ating kasal
Pagkayari’y iuusal mga kataga ng pagmamahal
Habang ibinubulong mo na ako ang iyong mahal

No comments: